LRTirik naman!

Matapos magkaaberya sanhi ng usok kamakalawa ang Metro Rail Transit 3 (MRT-3), biyahe naman ng isang tren ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ang nadiskaril kahapon sa southbound Libertad Station Pasay City.

Sa abiso ng LRT-1 sa kanilang official Twitter account, alas-11:17 nang umaga nitong Martes nang ihinto ang biyahe ng mga tren mula Baclaran hanggang Roosevelt.

Ito ay matapos silang abisuhan ng kanilang technician na isang tren ang nasira sa bahagi ng Libertad–southbound.

Subalit makalipas ang ilang minuto, balik na rin sa normal ang biyahe ganap na alas-11:34 nang umaga. (Armida Rico)