LTFRB bugbog-sarado sa Uber at Grab

Bugbog-sarado sa social media ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa paghihigpit sa pamamasada ng mga Transport Network Vehicle Service (TNVS) tulad ng Uber at Grab driver.

Suspetsa tuloy ng isang opisyal ng Department of Transportation (DOTr), may kinuhang PR group ang Uber at Grab upang pasamain ang imahe ng LTFRB sa riding public.

Wala namang nakitang masama si Sen. Grace Poe kung kumuha ng PR group ang Uber at Grab.

Samantala, nanindigan si Atty. Aillen Lizada. Board member ng LTFRB, na hangga’t walang inaaproba­hang batas ang Kongreso na maglelegalisa sa ope­rasyon ng Transportation Network Company (TNC), patuloy ang gagawin nilang paghihigpit dito.