LTFRB over sa Uber

Tito Sotto

Over kung maningil ng penalty sa Uber ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa kabila ng magandang serbisyong ibinibigay sa mga mananakay kaysa sa taxi, sinabi ni Senate Minority Leader­ Vicente ‘Tito’ Sotto III na sumobra sa pagpapataw ng parusa ang ­LTFRB sa kaunting kamalian ng Uber.

Tinutukoy ni Sotto ang pagpataw ng LTFRB ng multang P190 milyon sa Uber kapalit ng pagtanggal ng isang buwan na suspensyon ng operasyon ng Transport Network Vehicle Service (TNVS).

“Sobra ‘yun. OA,” diin ni Sotto.

Kumpara sa taxi, mas pinagtitiwalaan umano ng publiko ang mga Transport Network Company (TNC) tulad ng Uber.

“Ewan ko pero laki pakinabang ng Uber. Daming taxi salbahe, untraceable kasi,” ayon kay Sotto.