Natagpuang nakaupo at wala nang buhay ang inspector ng Land Transportation Office (LTO) sa sala ng kanilang tahanan sa Quezon City kahapon nang umaga.
Kinilala ni P/Lt. Roldan Dapat, ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD) ang biktimang si Teodoro, 55-anyos, may asawa, ng Mayon Ave., QC.
Sa inisyal na imÂbestigasyon ni P/Master Sgt. Roldan Cornejo, ng CIDU-QCPD, alas-singko nang umaga (May 7), nang matagpuang patay ang biktima ng kanyang anak.
Sa pahayag ng anak sa pulisya, pag-uwi niya sa kanilang bahay ay nagtaka siya kung bakit naka-lock ang kanilang pintuan kaya sumilip siya sa bintana at doon ay nakita niyang nakaupong nakalugmok ito sa sahig.
Puwersahang binuksan ang lock ng pintuan at isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Teodoro subalit idineklara na rin itong patay.
Sa imbestigasyon, nakita sa kisame ng bahay ang nakataling lubid at malamang na naputol umano ito nang magbigti ang biktima kaya bumagsak sa sahig. (Dolly Cabreza)