Lucas 4-Cock Derby sa Biyernes

Abangers na ang mga sabungero sa engrandeng pagbubukas ng mga pasabong sa 2020 sa Pasay City Cockpit na pasisimulan sa Biyernes ng Lucas 4–Cock Derby.

Tatrangka sa mga kalahok dito ang mga piling kasapi ng National Cockers Alliance (NCA), Laguna Gamefowl Breeders Association (LAGBA) at Luzon Gamecock Lreeders Association (LGBA).

Aayuda ang Sagupaan Superfeeds at ang Complexor 3000 ang sa pa-cockfighting ng Lucas group at aasistehan ni PCC llamador Jerald Picazo.

Sa Huwebes, Enero 9 na ang pagsusumite ng timbang na may1.9 kgs. hanggang 2.45 kgs.

Agad susundan ang pasabonh ng ang Erica 4–Cock Derby” sa January 17 at ng P1M 7 –cock derby para sa 2020 LGBA Cocker of Year” race sa Pebrero 14, 17 at 21. (Enjel Manato)