Parang lugi ang sambayanang Filipino kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao lalo na ang kanyang mga constituent sa Sarangani noong 16th Congress ang kanyang ikalawang termino bilang congressman sa halos 200 session days sa loob ng tatlong taon, 12 session days lang ang kanyang ipinasok.
Sa katunayan, isang session lang ang dinaluhan ni Pacquiao sa buong taon ng 2015 kaya luging-lugi naman sa kanya ang taumbayan na nagpapasuweldo sa kanya at sa kanyang mga staff.
Oo nga’t nagbigay ng karangalan si Pacquiao sa Sambayanang Filipino dahil sa mga panalo niya sa kanyang sinabakang laban sa boxing mula 2013 hanggang 2016 ay iba pa ring usapin ang hindi niya pagpasok sa kanyang trabaho.
Oo nga’t maning-mani kay Pacquiao ang kanyang sahod na mahigit P70,000 kada buwan pero pera pa rin ito ng mamamayan na dapat ipinagtrabaho naman niya para masuklian lalo na’t binigyan siya ng mandato ng mga taga-Sarangani para maging kinatawan nila sa Kongreso.
Dapat mahiya si Pacquiao sa mga tao na nagbigay sa kanya ng mandato. Inaasahan ng lahat ng babaguhin na ni Pacquiao ang kanyang work ethics lalo na’t senador na siya ngayon.
Kung may balak siyang lumaban muli, huwag itaon na may session para makapagsilbi naman siya sa bayan at mabawi ang kanyang pagkukulang noong siya ay Congressman pa lang.
Ang pangit kaya ng record na pinakaabsenerong mambabatas sa kaysaysayan ng Kongreso.
Kahit pa hawak niya ang 8th time division champion sa boxing, kung kakabit ang record sa pagiging absenero, burado ‘yan.
Sana rin ay magsilbing aral na sa mga incumbent congressmen ang desisyon ng Kongreso na ilabas ang attendance record ng mga mambabatas sa Kamara para mapahiya naman sila kahit papaano.
Kung wala talaga silang planong pumasok sa kanilang trabaho eh sana hindi na lang sila tumakbo at isahan ang mga tao na nagpapahirap magtrabaho para may pambayad ng buwis na pampasuweldo ng gobyerno. (dpa_btaguinod@yahoo.com)
marami pa rin kasing bobotante.
Tumpak!!!