BATA pa si teen actress nang mag-try sa showbiz.
Sadyang may angkin siyang galing sa singing, dancing at ang forte niyang acting, lalo na’t heavy drama ito na maraming iyakan.
Eto na ang pinakahihintay niya… ang makasama sa isang teleserye na dramahan to the highest level.
Pinaghandaan ito ni teen actress. Super watch siya ng mga dramatic movie, local & foreign.
Pinag-aralan niyang mabuti kung aling mata ang unang papatakan ng tears.
Perfect!
Pati actor’s cue, pinerfect n’ya na. This is it pansit, ang very dramatic scene niya with a veteran actress.
Ang eksena, matitigok ang mudra niya dahil sa sakit na cancer. Silang dalawa ang nasa balay.
1, 2, 3… ACTION!
Pumalahaw siya ng “INAY…” pero walang lumalabas na tears mula sa kanyang eyes.
Sinabihan siya ng assistant director na isipin ang masasakit na nangyari sa buhay niya pero waaah pa rin!
Nagwelga ang kanyang mga luha!
Talakitok ni asst. director, “Isipin mo, truliling nanay mo ang tigbak!”
Waaaa pa rin!
“CUUUUT!” tili ni direk.
Kinausap siya nang masinsinan ni directed by, tinalakan pa more at niyugyog para lumabas ang luha.
Waaahhh pa rin!
Binantaan ang buhay niya na itutumba siya kung hindi siya iiyak.
Humihikbi lang ang teen actress pero tuloy ang welga ng tears. Nagpakuha si direk ng Eye-mo at pinapatakan ang mga mata ni artistang waah crayola pagaspas.
Eksena ulit… namatay na ang mudra niya, yayakapin niya ito nang pagkahigpit-higpit at titingin sa langit ang hitad, CUT!
Put ng pampatak … ACTION!
Tumulo ang tears na fake… CUT!
Put ulit ng Eye-mo, then cry, then CUT, den put… wala nang sumigaw ng CUT.
Lumayas na pala si direk.