Luhaan sa Final 4 asam ang masayang pag-eksit

STANDINGS
TEAMS W L
x-DLSU 11 2
x-ADMU 9 4
x-FEU 9 4
x-NU 7 6
y-AdU 5 8
y-UP 5 8
y-UST 4 9
y-UE 2 11

x — Swak na sa Final 4
y — Napatalsik sa semis

Mga laro ngayon, Sabado, Abril 14:
(Blue Eagle Gym-Quezon City)
2:00 p.m. – UE vs UP
4:00 p.m. – AdU vs UST

Buo na ang Final 4 pairings at ang second and last twice-to-beat bonus sa semifinals na lang ang nakalaan sa final two se­cond round eliminations playdates ng 80th UAAP women’s indoor volleyball tournament.

Elims topnotcher ang defending two-time champs De La Salle University at swak na sa isang insentibo sa semis sa 11-2 win-loss record, katapat sa susunod na linggo sa F4 start ang No. 4 National University (7-6).

Contender pa at pinag­labu-labuhan ng magsalo sa segunda-terserang Ateneo de Manila University (9-4) at Far Eastern University (9-4) ang se­cond twice-to-beat.

Kaya sa penultimate day ng elims mamaya, ang mga sumablay sa next phase ang mga paparada sa dalawang no-bearing matches sa ADMU Blue Eagle Gym sa Quezon City.

Pakay ng kasalo sa 5th-6th na University of the Philippines (5-8) ang third straight win kontra sa nasa ilalim na University of the East (2-1) sa alas-dos ng hapon.

Alas-kuwatro naman ang hambalusan ng A­damson University (5-8) at nasa pampitong University of Sto. Tomas (4-9) na gaya ng UP Lady Maroons at UE Lady Warriors ay nais din ang grand exit.