Viral ang video na niregaluhan ni Jessy Mendiola ang Star for All Seasons na si Vilma Santos sa okasyon ng kaarawan nito.

Sobra namang na-appreciate ng multi award-winning actress ang gesture ng girlfriend ng kanyang anak na si Luis Manzano.

Epic naman ang naging reaksyon ng netizens sa naging komento ni Luis na ang regalo raw niya sa kanyang mom ay darating sa loob ng siyam na buwan sa kanilang bonding moment.

Dahil dito, hindi magkamayaw ang samu’t saring espekulasyon dahil sa tinurang iyon ng “I Can See Your Voice” host.

Sey ng netizens, bubuntisin na raw ng TV host-actor ang dyowang si Jessy dahil matagal na naman talagang gustong magkaapo ni Ate Vi sa kanyang anak na si Luis.

Marami rin ang nagsasabing nasa tamang edad na ang dalawa para lumagay sa tahimik bagama’t tuwing nababanggit ang pagpapakasal, nananatiling wala pa silang kongkretong plano. (Archie Liao)