Luis hugis itlog

Na-shock ang mga follower ni Luis Manzano sa kanyang bagong look ngayong lockdown.

Nagpatasa siya ng buhok gaya noong high school at college siya.

“High school/college me is baaaaaack!!!!” caption ni Luis.

Nag-comment dito ang kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola ng: “Pogi ng howhow ko.”

Inabangan naman ng mga fan ang reaksyon ng malapit na kaibigan at madalas kabarahan ni Luis na si Alex Gonzaga.

“Hugis itlog ka pala,” sabi ni Alex.

“Kelan pa natuto mag IG ang isang carabao mango,” sagot naman ni Luis. (IS)