Luis & Jessy, LOVE LOCAL ang peg

Luis Manzano at Jessy Mendiola

LOVE LOCAL ang peg nina Luis Manzano & Jessy Mendiola ngayong Valentine’s Day.

Hindi sila lilipad pa-abroad kundi magda-diving lang sa Anilao, Batangas na paborito nilang lugar para sa sisiran.

Bibigyan ng V-Day gift ni Jessy ang kanyang boyfriend, na galante at laging may mga pa-surprise na ikinaka-touch niya.

***

Sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ay hindi pa sure kung anong gagawin nila ngayong Hearts Day.

Hirit sa amin ni B­ianca nang usisain namin nu’ng presscon ng Full House Tonight, si Miguel ang dapat na­ming tanungin kung anong Va­lentine plans nito.

Last year ay may work ang BiGuel, na minsan ay lumalabas na silang dalawa lang after work, pero kadalasan ay kasama nila ang pamil­ya nila.

Ang sabi sa amin ni Miguel, may balak siyang gawin at ibigay ngayong Valentine’s kay Bianca, pero secret m­una para ma-surprise ang dalaga.

Iniisip niya pa kung ibibili niya ng gift si B­ianca dahil napagastos siya sa recent backpacking vacation niya sa Japan na mag-isa siyang nagpunta.