Luis kontra kay Vilma

NI: ARCHIE LIAO

Kontrobersyal ngayon ang Lipa representative na si Vilma Santos-Recto dahil sa pagboto niya para maipasa ang Anti-Terror Bill na inaprubahan na sa Kongreso at Senado.

Maraming nadismaya sa Star for all Seasons dahil buong akala ng mga netizen at followers niya ay mag-aala Sister Stella L ang actress turned politician para itaguyod ang laban nila sa pagsusulong ng karapatang pangtao.

Sa Anti-Terror Bill kasi, naniniwala silang posibleng mayurakan umano ang human rights dahil puwedeng ipaaresto ang sinumang pinaghihinalaang terorista.

Ipinaliwanag naman ni Luis ang stand ng kanyang ina at ang pagboto nito sa panukalang batas kahit may reservations.

Dahil dito, pati siya ay nababatikos sa naging kapasyahan ng beteranang aktres.

Isa namang netizen na @gangbadoy ang nagtanggol kay Luis at nagsabing “Bakit inaaway si @luckymanzano dahil sa Mommy niya, inaaway ka ba ng mga inis sa work decisions ng Mommy mo? Naisip ko lang.

Direkta namang tinanong ni @ANJvillar ang TV host-actor sa stand niya sa kontrobersyal na bill. Aniya: “If I may ask po, what is your stand regarding the matter?”

Ito naman ang naging sagot ni Lucky: “Like what I posted sa tweet ni @gangbadoy, I’m not for it.Kung kelangan, Maybe another time and with clearer details/provisions . Di ko na reply ng tamang button.”