May depekto ang lumang textbook tungkol sa administrasyon ni da­ting Pangulong Ferdinand E. Marcos dahil sa pinali­litaw na ang Martial Law era ay “golden years” sa kasaysayan ng bansa.

Ito ang natuklasan ni Sen. Paolo Benigno ‘Bam’ Aquino IV sa isinagawang pagbusisi kung tama ang isinasagawang pagtuturo­ sa mag-aaral sa naging kalupitan ng Batas Militar.

Ayon kay Aquino, ang ginawang pagbabago sa kasaysayan ay sampal sa mukha ng libu-­libong pinahirapan at pinatay noong panahong iyon.

“Hindi lang siya nakakalimutan, binabago ang ating kasaysayan. Iyon ang nakakabahala, na tila sinasabi na sa panahon ng Martial Law, walang namatay, walang kinulong, walang tinorture,” puna ni Aquino.

“It’s a disservice and a slap in the face for those victims na parang kinakalimutan natin ang masamang nangyari noong panahon na iyon,” dagdag pa ng senador.

4 Responses

  1. epal na naman ang aquino na ito dapat din ilagay sa mga libro bakit nakaroon ng martial law dahil sa pag traydor ni ninoy sa bayan.tinignan nyo yung martial law di nyo inalam kung bakit.

  2. anong depektibo doon totoo naman golden yrs yun nag karoon ng mga kalsada nag karoon ng hospital nag karoon eskuwalhan anong depektibo doon ha sen pampam aquino