MAMAYANG gabi at bukas, magkakaalaman na kung sino ang kampeon sa The Voice Teens ng ABS-CBN.

Four very distinctive voices at hindi pwedeng pagtaasan ng kilay ang Final Four.

Andiyan ang young charmer na si JEREMY GLINOGA (Charming Cutie ng California) mula sa team ni Ate Shawie.

May career na ito as a singing heartthrob.

Flawless kumanta at perfect ang diction at enunciation.

Laki man sa Amerika si Jeremy, taglay niya ang pusong Pinoy.

***

Edgy, marunong mag-piano at may star power si ISABELA DIZON (Spunky Singing Beauty ng Pampanga) mula sa Camp Kawayan ni rocker Bamboo.

Nakatikim si Isabela ng online bullying dahil sa pagiging celebrity daughter niya.

Ibinunyag ni Isabela na pinaghirapan niya ang puwesto sa kumpetisyon.

Pumila siya sa Manila auditions kasabay ng libu-libong aspirants sa show.

***

Young biritera with bangs si JONA SOQUITE (Tabing Ilog Sweetheart ng Davao) mula sa Team Sa­rah Geronimo.

Grabe ang emotional commitment ng 14-anyos na si Jona sa kantang The Greatest Love of All.

Pangarap ng four-chair turner na si Jona na maili­pat ang pamilya sa bagong bahay mula sa mapanganib na tahanan sa tabi ng ilog.

***

Mula sa team Lea Salonga, ang classically trained chanteuse na si MICA BECERO (Soprano Girl ng Surigao del Norte).

She showed a different side of her with the pop anthem Loving You.

Nagsa-ibon si Mica sa nasabing kanta.

Sa blind audition pa lang ni Mica, humakot na siya ng 9.8M views, ang pinakamataas sa lahat ng teen artists ng season.

***

Ang kampeon ay magkakamit ng fashion package, business package, dental service package, P1M cash, P1M ha­laga ng trust fund, P2M life insurance, recording at management contract sa MCA, at bagong house & lot.

Tatlong rounds ang kailangang pagdaanan ng finalists upang ligawan ang boto ng mga manonood.

Una, ang DUET kasama ang kanilang coach.

Ikalawa, UPBEAT PERFORMANCE.

At ikatlo, POWER BALLAD na magiging finale song nila.

***

Sa apat, good luck sa inyo!

At sa voting public, sana ay mas ma­ging discerning at intelligent kayo sa inyong pagpili.

Kung sino man ang magwagi, nawa’y may maggabay sa bagong kampeon na hindi madali ang buhay sa showbusiness.