Lumutang ang pagkamalikhain sa face mask crisis

Sa panahon ngayon ng pandemic na COVID-19 ay nakabanta ang panganib sa Pilipinas at sa buong mundo.

At dahil doon, nag-anunsyo ang ating gobyerno ng Enhanced Quarantine na ibig sabihin nito ay dapat manatili ang lahat ng tao sa kanikanilang mga tahanan.

Sarado ang mga establishment tulad ng mga mall at mga office. Ilan lamang na bukas tulad ng supermarket, botika at hospitals na siyang pangunahin na pangangailangan ng ating mamamayan.

Nagkakaubusan naman ng alcohol at face mask sa mga grocery.

Dahil sa quarantine, nakapag-isip ang iba na gumawa ng mga face mask lalo na ang ibang mga designer tulad nina Chris Egne na gumawa ng face mask na gawa sa Bust pad, sina Ron Montes at Nora Buenviaje naman ay gumawa rin ng marami na gawa sa retaso.

Kaya kung nais niyong um-order sa kanila, maaari niyo silang i-message sa kanilang Facebook account.

Ito ang panahon na habang tayong lahat ay na- ka-quarantine sa loob ng ating mga tahanan ay maaari pa rin tayong kumita o gumawa ng kapaki-pakinabang kaysa mag-isip ng hindi tama.

Paraan ito na kahit paano ay makalimot sa mga pangyayari sa ating kapaligiran. Ito rin ang panahon na tayo ay magpasalamat sa ating Diyos at manalangin para sa ating kaligtasan