Luna, pan-debut ang 1st b-day party

Juday, Ryan at mga anak

HAVEY: Mistulang isang planetarium na kiddie activity center ang Filinvest Tent noong weekend na nagsilbing mala­king playground at venue ng engrandeng 1st birthday party ni Juana Luisa S. Agoncillo o Luna.

Organized by Teena Barretto, from the lobby registration, to the photowall to the lobby displays and toy activity centers complete with Lego, blocks, face painting activities, board games, name it, lahat ng activities na pambata, meron.

May foodcarts — from hotdogs to diffe­rent pastas and sandwiches and pizzas, tacos at corn at drinks. Fiesta ang cakes and desserts!

Masaya kong namataan sina Drew Arellano & Iya Villania, Sam YG, Gladys Reyes & Christopher Roxas at ang kanilang buong pamil­ya, Jolina Magdangal & Mark Escueta pati ang anak nilang si Pele.

Dumating din at nag-enjoy sa interaksyon sa mga bata si Sarah Gero­nimo.

Nasabi ni Sarah na nasa probinsya si Matteo Guidicelli for an event kaya hindi nakadalo.

lsa pa sa mga super nag-enjoy ay si Baby Baste na sobrang competitive sa pag-stop dance kasama si Lucho.

Mula sa walang patid na parlor games, nagkaroon din ng Broadway theater presentation.

Doon napakanta at pinalakpakan si Ate Yohan sa kanyang redition ng Part Of Your World ng Little Mermaid.

Pagkatapos, may mga group activity ulit for the kids at meron pang magic.

Kahit 8:30 PM na, buhay na buhay pa rin si Luna sa pag-iikot at pagsasayaw.

Masayang-masaya sina Mommy Carol, Kuya Jeff at Ate Jackie ni Juday sa party, pati na ang pa­milya ni Ryan led by Daddy Chito and Mommy Nina kasama ang kanilang angkan na hindi pagkakamalian dahil pawang matatangos lahat ang mga ilong.

Nang tanungin namin sina Juday at Ryan na kung ganito na ka-engrande ang 1st birthday pa lang ni Luna, paano pa kaya sa debut nito?

“She deserves it naman. And while we can afford it naman, we’ll give them the best,” sabi ni Ryan.

“Pag 18 na siya, magta-travel na ‘yan. Siyempre, bata pa lang, we want her to explore the world, kasama namin… hahaha!” punchline ng punong aba­lang nanay na si Juday na ramdam na ramdam ang tunay na kaligaya­han sa kanyang masa­yang pamilya.

***

WALEY: Bukas, mawawaley na ulit si Rachelle Ann Go.

Mula London, nagbakasyon lang siya sandali noong Kapaskuhan at heto, lilipad na ulit siya papunta sa New York para mag-star bilang Gigi ulit sa Miss Saigon.

Makakasama ni Shin (palayaw ni Rachelle Ann) ang kapwa Pinay na si Eva Noblezada na gaganap bilang Kim.

Mukhang mas magiging maluwag ang schedule ni Shin doon sa New York, bagama’t pinaghahandaan niya ang malamig na weather du’n ngayon dahil lamigin siya at ingat na ingat siya dahil ayaw na ayaw niyang magkasakit.

Habang nasa New York, naghahangad si Shin na makapag-aral at magtapos ng short course sa U. S.

Kasama ba sa hinahangad niya ang magkaroon na ng boyfriend? “Ay, hindi, hindi pa! Ang dami pang magagandang gagawin sa buhay.

“Siguro ang prayer ko lang ngayon ay makilala ko na lang muna kung sino man ‘yun na para sa akin,” sabi ni Shin.

Ano na nga bang nangyari du’n sa chef na nirereto namin sa kanya noon?

“Bigla na lang nawala. OK lang, baka naman not mean to be… yet!”

Basta, in-e-enjoy pa lang ni Shin lahat ng opportunities na dumara­ting sa kanya. And I told her, it seems 2017 will be her banner year!

“I-claim na natin ‘yan! I really pray that it’ll be a good year for me at sana sa ating lahat!” pagtatapos ni Shin na sasadyain naming panoorin sa New York bago ang kanyang birthday sa August!