Nasaksihan ng ilang Pilipino ang partial lunar eclipse kamakalawa hanggang kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nangyari ang partial lunar eclipse kamakalawa ng alas-11:50 ng gabi hanggang kahapon ng alas-4:51 ng madaling-araw.

Nakita sa western Pacific­ Ocean, Oceania, Astralasia, Asia, Africa, Europe at dulong South Ame­rica, gayundin sa bansa.

Nangyari ang lunar eclipse bago ang total solar eclipse na tinatayang magaganap sa Agosto 21 hanggang 22, pero hindi ito makikita sa Pilipinas.