Dear Atty. Claire,

Masugid pong taga subaybay ang aking ama sa kolum niyo sa Abante newspaper. Ang kanyang ­pangalan ay Alfredo Zabala. Ang ­aking ama po ay­ ­nakabili ng lupa sa Clauag Quezon noong Peb. 23, 2004 at ito po ay full payment.

Ang tanong po ng Papa ko ay may karapatan bang ­magbayad ng amelyar kahit wala po siyang hawak na titulo ngunit may hawak po siyang Deed of Sale.

May kakilala raw po si Papa na ­nagtatrabaho sa ­munisipyo para ­mag-ayos ng titulo pero hndi po magawa dahil hinahahanap po ang mother title.

Nalaman na lang po namin na naisanla ng dating may-ari ng lupa ang mother title sa kamaganakan po nila at sampung pamilya na po ang nakatira sa lupa ngayon.

Matagal na panahon na po ang Tatay ko na hindi nakauwi sa Calauag Quezon Province dahil sa mga karamdaman. Humihingi po ng payo ang Tatay sa inyo ng mga dapat niyang gawin Attorney. Muli po, ang tanging hawak ng Papa ko ay ang Deed of Sale na nakapangalan sa kanya.

Maraming salamat po and more power.

Allan

Dear Mr. Allan,

Puwede naman bayaran ang amilyar para hindi ­magkaroon ng utang sa real ­property tax.

Una ninyong gawin ay sumulat sa seller at hingin ang titulo. Kapag parte lamang ng lupa ang binili ­ninyo ay ­kakailanganin ­ninyo na mapahati ang lupa para malaman ninyo ang ­technical ­boundaries ng lupang nabili.

Mas protektado kayo kung babayaran na ninyo sa BIR ang capital gains tax ng bilihan ng lupa at saka ipa-annotate sa titulo ang Deed of Sale.

Kung totoong ­sinangla ang ­mother title ay hiramin lang muna sa may-ari upang maiproseso ang paglipat ng lupa (portion) sa pangalan ng Tatay mo.

Kung may Deed of Sale na ng portion ng lupa sa Tatay mo ay hindi na dapat pang maisanla ang parte na iyon dahil wala ng karapatan ang seller na gawin iyon ­dahil hindi na siya ang ­may-ari.

Kung hindi ninyo mapapakiusapan ng seller ay kakailanga­nin na ninyong magdemanda upang ang korte na ang mag ­desisyon kung saan siya ay oorderan na dalhin ang titulo sa ­Tatay mo para maiproseso ang ­paglipat nito.
***
Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 89220245 o 85142143 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.