Lupit ng digmaan

Break a leg ni Benjie Alejandro

Malaya na ang Marawi.

Sakto, limang buwan.

Magkagayon man nilinaw ng Malacañang, hindi pa rin tapos ang opensiba sa natitira pang miyembro ng bandidong Maute na konektado sa teroristang ISIS.

Ayon sa Palasyo, kahit humina na ang kalaban­ sa Marawi, hindi dapat maging kampante. Tuloy lang ang operasyon ng gobyerno laban sa mga armadong grupo.

Prayoridad ang muling­ pagbango­n at rehabilitasyo­n ng lungsod­. Isang malaking­ hamon ang panunumbali­k na muli ng normal na pamumuha­y ng mga Maranaw.

Malupit ang naganap na digmaan sa Marawi. Maraming buhay ang nasawi­. Maraming bahay at istruktura ang nasira.

Pero ang pinakamalupi­t ang nagpatayan ay mga Filipino mismo.

***

Kamakailan, inilunsad­ ng PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang ‘DISIPLINADONG DRIVER CAMPAIGN.’

Kabilang sa magpapatupad ng kampanya ay ang iba’t ibang ‘motorcycle­ rider organization.­’

Pangunahing misyon, sitahin ang mga pasaway na motorista.

Sa tingin ko naman pinag-isipan ito nang maigi ng pamunuan ng PNP-HPG.

Ang tanong lamang sino ba ang malimit pasaway sa kalsada? Di ba ang mga nagmo-motorsiklo­?

Sa EDSA na lang, kapag ma-trapik, sino ang barubal at garapal? –ang dami nila. Kung may matino man, iilan lang.

Sa mga ‘intersection’ na lamang, kung bumirit ang mga lintek, walang pakundangan, ‘bahala ka sa buhay mo,’ ang mentalidad ng mga kumag.

Mukhang binigyan lang ng PNP-HPG ang grupong ito ng lisensya para lalong mang-‘bully’ sa kalsada.

Sa Aguinaldo Highway sa Cavite papuntang Tagaytay, kapag nahagip ka ng langkay ng mga nagmo-motorsiklo, malas­ mo na lamang.

Sobrang yabang, tila nabili nila ang kalsada, kung magmaniobra.

***

Dalawampung ‘rider­ club’ ang pinulong ng PNP-HPG sa Kampo Crame.

Inatasan ang mga ito na tumulong para disiplinahin ang mga pasaway na motorista.

Binigyang kapangyarihan­ ang mga ‘rider club’ na manita ng mga kapwa ‘rider­’ na hindi nagsusuot ng helmet.­

Inatasan din ang grupo na sitahin ang mga balasubas pumarada, mga ‘reckless driver’ at magsumbong sa mga pulis kung may nakitang krimen sa kalsada.

Hindi daw bibigyan ng ID ang mga miyembro­ ng mga ‘rider club.’

Magsusuot lamang ito ng ‘vest’ na may logo ng PNP-HPG.

Nakupo, imbes na makatulong ang grupong ito ay baka lalo lamang magkaroon ng problema sa kalsada.

Ano ang garantiy­a na ang logo ng PNP-HPG na nasa ‘vest’ ng mga ‘motorider’ ay hindi­ maabuso?

Kung wala pa ngang logo ng awtorirad ay barubal at garapal na ang ‘tropang’ ito, ngayong pang may logo ng PNP-HPG.

Hay naku.