Imbes na makatulong sa pagsala sa mga karapat-dapat na opisyal ng gobyerno ay sagabal na luma­labas itong tinatawag na makapangyarihang ­Commission on Appointments (CA).

Bakit kanyo? Kung hindi ba naman sagabal, bakit kailangang kontrahin ang appointment ng isang sa tingin ng taumbayan ay may karapatang pamunuan ang isang tanggapan ng gobyerno.

Ang tinutukoy natin ay ang ni-reject ng CA na appointment sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na si Gina Lopez.

Si Gina Lopez na matagal nang may pagmamahal, malasakit sa kalikasan ay ni-reject ng mga ­bumubuo ng CA kaya nakakadismaya.

Hindi naman siguro lingid sa mga bumubuo ng CA na wala pa sa gobyerno si Gina Lopez ay kaliwa’t kanang programa na para sa pagsasalba sa kalikasan ang kayang pinangunahan.

Ang matindi pa sa aleng ito ay siya mismo ang may inisyatibo at gumawa ng paraan para mangalap ng pondo upang isakatuparan ang mga programang may kaugnayan sa pagprotekta sa ating kalikasan.

Ang mga bumubuo ng CA, may ganito bang ­puso sa ating kalikasan?

Maitanong ko lang, kayo bang mga miyembro ng CA na hindi pumabor sa appointment ni ­Lopez ay may nagawa kahit maliit na bagay para sa ating kalikasan?

Kaya kung wala naman mahiya naman kayo sa balat n’yo at makonsensiya sa ginawa ninyong pagbasura sa kumpirmasyon ni Mam Gina!

Dahil sa pagbasura sa confirmation ni Lopez tumindi tuloy ang pagdududa ng publiko na may gumanang pera na mismong si Pangulong Duterte ang umaming may gumanang pera kaya humantong sa pagkakabasura ang appointment ni Lopez.

Ang tanong kung may kumita sa kaganapang ito sinu-sino kaya sila?

Sa record na nakalap sa CA, sinasabing kabilang sa mga bumoto para i-reject ang appointment ni ­Gina Lopez ay sina Sen. Alan Peter Cayetano, Sen. Gringo Honasan, Sen. Juan Miguel Zubiri, Sen. Panfilo Lacson, Rep. Abraham Tolentino, Rep. ­Antonio Floirendo, Rep. Benhur ­Salimbangon, Rep. Joel Mayo Almario, Rep. Wes Gatchalian, Rep. Roy Loyola, Rep. Ronaldo Zamora, Rep. ­Rodolfo Albano III, Rep. Julieta Cortuna, Rep. ­Jerry Treñas at Rep. Josephine Sato.

Ang mga bumoto naman sa CA na pabor sa ­appointment ni Sec. Lopez ay sina: Sen. Bam ­Aquino, Sen. Francis Pangilinan Sen. Franklin Drilon, Sen. JV Ejercito, Sen. Loren Legarda, Sen. ­Manny Pacquiao, Sen. Ralph Recto at Sen. ­Vicente Sotto.

Kaya sa mga galit na galit sa nangyaring pagbasura sa appointment ni Lopez sa DENR dapat ay alam n’yo na ang inyong gagawin at ito ay ­bantayan ang kanilang galaw.

27 Responses

  1. kung ako saiyo gina iba nalang pagkaablahn mo total hindi ka naman fit doon sa nais mong pwesto dahil mahina ang utak mo kaya huwag mo na ipilit pa ang sarili mo

  2. nakikita naman na walang nagtitiwala sa babaeng yan dahil una palang mababa na ang kakayahn niya kaya hindi siya binoto ng kalahatan!

  3. tama naman na nireject yan si gina.kala mo naman kung sino.Kung ako sayo tanggapin mo na lang ang katotohanan na talunan ka.

  4. buti nga yan sayo gina,hindi ka naman nararapat dahil sarili mo lang naman ang iniisip mo.Kitang kita naman ang kasamaan ng ugali mo.

  5. Hindi lang pinayagang makaupo si Gina bubuwagin na? abay ibang klase rin kayo. In fact, di naman talaga dapat mailagay ang gina na yan sa pwestong gusto nya.

  6. tama naman ang ginawa nila na hindi ka iboto dahil baka mamaya lang yan sugo ka pala ng dilawan ehh may gawin ka pang masama at ipalabas na hindi maayos ang pamamalakd ng adminstrsyong duterte

  7. mas mabuti na rin na walng naniwala saiyo gina dahil hindi kana man tlaga kapani-paniwala! nakikita kasi nila na wala ka naman tlaga magagawa sa mining industry!

  8. halata naman na kaya hindi sinuportahan ng CA si Gina dahil nakita nila na hindi naman si gina qualified on that position kaya naman kung ako saiyo Gina huwag kana masyadong ambisyosa pa dahil hindi ka naman nababagay sa pwesto na gusto mo!

  9. ang batas ay batas Gina sa DENR e di na lang mag-regulate. Naglelegislate na rin which is wrong. Dapat pa rin sundin nya ang batas. tapos ngayon gusto nyang alisin

  10. Ang totoo, masama ugali nyang si Gina. Masyadong elitista. Sinabihan nya dati isang reporter na “You’re just a fucking employee.”

  11. gina is self center she only wants her interest of point of view she doesnt listen to anybody what a spoiled lopez she gets what she want but she denied by CA how pity,. now shes telling all all false accusation against them what an idiot

  12. tsk tsk madumi talga kung magbalita n=ang mga lopez’z kung hindi lusawin titirahin ang mga taong di naman dapat tirahin talgang sanay sa mga ganitong kalakaran si gina

  13. pede naman pero porket na ri ject lamang ang isang lopez kailangan lusawin agad di ba pwedeng tangalin na lang si gina para matapos na ang gulo,. intrimitida kasi ang babaeng ito

  14. Marami talagang pinahahalagahan ang pera kesa sa kapakanan ng taong bayan. Sino ang makikinabang kundi ang mga mayayamang minero. Ang magdurusa ang mahihirap na binabaha pag bagyo. Nagbibigay ba ng donations ang mayayamang minero????