Lustre bibida sana: Malaking movie outfit urong sa Viva

Lustre bibida sana: Malaking movie outfit urong sa Viva

Mukhang nagdeklara na talaga ng giyera si Nadine Lustre sa dati niyang management company na Viva dahil sa sagot dito ng kanyang abogado.

Base sa rejoinder ni Atty. Lorna Kapunan ay tila desidido talaga si Nadine na labanan ang Viva at ginamit pa ang linyang, “It’s about time that a David strikes out a Goliath”, na matagal na umanong tine-take advantage ang mga young artist sa industriya.

Matalim din ‘yung pahayag ni Atty. Kapunan tungkol sa ‘unconscionable, oppressive at illegal’ contract daw ni Nadine (at ng iba pang artist) sa Viva.

Ayon sa isang source na inusisa namin tungkol sa isyu, kare-renew lang ni Nadine ng kontrata with Viva Artists Agency last year at more than 5 years pa raw itong nakatali legally sa nasabing kompanya.

Si Atty. Kapunan din pala ang abogado ni James nang umalis ito sa poder ng Viva, pero ang malaking pagkakaiba ay tapos na raw ang kontrata ni James samantalang si Nadine ay hindi pa.

Baka akala raw ni Nadine ay makakawala ito sa kontrata nito sa Viva tulad ng nangyari kay James, kaya lang ay magkaiba ang kaso nilang dalawa.

Medyo nakakagulat daw na ngayon naglalabasan ang kung ano-anong reklamo ni Nadz sa Viva samantalang wala namang ganitong problema nang mag-renew siya ng kontrata.

Sa isyung magiging ‘self-managed’ na raw si Nadine, ang reaksyon ng source namin ay hindi nga raw na-manage ni Nadine ang love life niya with James, ang showbiz career niya pa kaya?!

Kuwento naman ng isa pa naming source, nag-breakdown umano ang 26-anyos na aktres nang malaman nitong gagawa ng teleserye si James with Momoland member Nancy Mcdonie.

Tinext daw agad nito si James na huwag tanggapin ang project ng Kapamilya network, na sinunod naman daw ng aktor kaya nag-backout umano ito sa project.

Ang balita namin ay si Joshua Garcia dapat ang ipapalit ng Dreamscape kay James sa “Soulmate” project, pero nu’ng December nga ay naganap ang paghihiwalay ng JaDine.

After the breakup ay nagpadala raw ng feelers si James na gusto na niyang gawin ang serye with Nancy. Nahabol naman niya ito at ibinigay ulit sa kanya ng Dreamscape.

‘Yun umano ang naging last straw para kay Nadine, kaya nu’ng January 20 ay nagdesisyon na silang aminin publicly na break na nga sila ni James.

Ang latest naming narinig ay gusto raw kunin ng isang malaking film outfit si Nadine para magbida sa isang pelikula.

Kaya lang, nang malaman ng nasabing kompanya na legal and binding pa ang kontrata ng aktres sa Viva ay hindi na nito itinuloy ang naturang offer.

Ayon sa Viva ay ‘burnout’ ang idinahilan ni Nadine nang tanggihan nito ang pelikulang “Miracle in Cell No. 7”.

Ang pelikulang ito ni Aga Muhlach ang naging surprise top grosser sa MMFF 2019.