Iniimbestigahan ng Philippine Competition Commission (PCC) ang Land Transportation on Office (LTO) dahil sa umano’y iregularidad sa bidding a sa pagpapagawa ng mga license plates at radio frequency (RFID) stickers nito.
Ayon sa mga dokumento na nakuha n Politiko, lumilitaw na posibleng ‘rigged’ o minaniobra ang bidding process. “The PCC Enforcement Office headed by Director Orlando Polinar is looking into the possible collusion of several companies and personalities in the transactions, which took place between 2017 and 2018.”
Partikular na bubusisiin ng PCC ang joint venture sa pagitan ng Filipino-German company na Trojan Computer Forms Manufacturing Corporaiton at J. H. Tonnjes E.A.S. T. GmbH& Co. KG na nakakuha ng P978.8 milyong kontrata sa LTO sakabila ng kuwestiyunableng selection process.
Natalo sa naturang bidding ang joint venture ng EJA Hoffman Intl GmbH and Madras Security Printer, IPay Commerce Enterprise at ang partnership ng UTsch AG at Holy Family Printing Corp.
Nagsagawa ng imbestigasyon ang PCC sakabila nang pagtanggi ng LTO at mga opisyal nito noong 2017 na nagkaroon ng anomaly sa bidding kaugnay ng pagpapagawa ng mga license plate at RFID sticker.
May kapangyarihan ang ahensya na kasuhanan ang mga sangkot sa katiwalaan kasama na ang mga kuwestiyunableng bidding at mga anti-competetive agreement.
Noong 2018, nasa 152 na reklamo ang tinanggap ng PCC kaugnay mga katiwalian sa gobyerno.