Isinailalim na ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa ‘enhanced community quarantine’ ang buong Luzon bunsod nang patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay 12 na ang naitalang patay sa COVID-19 outbreak habang patuloy ang pag-akyat ng mga infected.

“(Duterte) just announced an enhanced community quarantine in the entire Luzon,” sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa isang mensahe kahapon.

Ang March 13 memorandum ay nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa utos ni Pangulong Duterte kung saan ang ipinaliwanag na ang enhanced community quarantine ay isang istriktong ‘home quarantine’ sa lahat ng tahanan.

“PRRD [Duterte] just announced an enhanced community quarantine in the entire Luzon,” saad ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Sususpendihin din ang mga transportasyon at ire-regulate ang pagde-deliver ng mga pagkain at health service.

Naka-heightened alert na rin ang mga uniformed personnel at presensiya nila para ipatupad ang quarantine procedure.

Sa ngayon, Marso 16 mayroon nang 140 positibo ng COVID-19 sa bansa habang 12 na ang namatay, ayon sa Department of Health. (Prince Golez/ Issa Santiago)