LVPI bagong NSA ng volleyball

Joey Romasanta

May pormal na namang nadagdag sa mga kapanalig ni Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. sa Philippine Olympic Committee (POC) sa yumayabong na pagkontrol sa mga national sports associations (NSAs).

Ito’y makaraang basbasan ng International Volleyball Federation ang Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI) bilang bagong NSA ng nasabing ball game kapalit ng Philippine Volleyball Federation.

Ang manok ni POC president Cojuangco na si Jose Romasanta ang pangulo ng LVPI bukod pa sa pagiging presidente rin ng Philippine Karatedo Fede­ration at POC first vice president. Si Cojuangco ang lider ng Equestrian Association of the Philippines.

Sa sulat ni FIVB General Director Fabio Azevedo na may petsang May 11, 2017, ginawad ng world volleyball body sa LVPI ang pag-o-organize ng ­international competitions sa Pilipinas, pagbuo sa national teams at pagsali sa mga international contests. Nasa memorandum ang pagsuspinde ng PVF sa FIVB.