LVPI election ngayon

Kung matutuloy ang plano ay mailuklok bilang bagong pangulo ng Larong Volleyball ng Pilipinas (LVPI) ang Arellano University official na si Peter Cayco.

Nakatakdang pu­mili ngayon ng ka­nilang bagong pamunuan at opsiyales ang LVPI, ang national sports association para sa indoor at beach volleyball sa bansa, sa isasagawa nitong eleksiyon ngayong araw, Abril 12, sa opisina ng Philippine Olympic Committee (POC) sa PhilSports Arena sa Pasig City.