HAVEY: As of 7:00 PM yesterday, September 28 na ipapalabas ng Star Cinema ang pelikulang Ang Babaeng Humayo (directed by Lav Diaz, starring Charo Santos & John Lloyd Cruz).

Nang manalo ang pelikulang Ang Babaeng Humayo ng top honors na Golden Lion for Best Film, wish namin na with the momentum and the rock star treatment and rave reviews that Direk Lav Diaz and the whole film got in 73rd Venice Film Festival, sana’y ito na ang maging daan para makakuha tayo ng para­ngal mula sa napaka-elusive na Oscars.

Nagkaroon ito ng September 23 playdate, para maging eligible sa pilian ng Oscars.

Kaso, nagpasya ang Film Academy of the Philippines na ang Ma’ Rosa (direc­ted by Brillante Mendoza, starring Jaclyn Jose na nag-best actress sa Cannes filmfest) ang ating aspiring entry sa kategor­yang best foreign language film ng Oscars (Academy Awards).

Nagpasya kapagkuwan na gawing September 28 ang playdate ng Ang Babaeng Humayo.

“Maraming salamat sa FAP for considering our film too as an Oscar entry and congrats to Brillante Mendoza’s MA’ ROSA. Mabuhay!” sabi ni Ronald Arguelles ng Cinema One, na isa sa produ­cers ng Ang Babaeng Humayo.

Nakakatuwa ang ibang direktor na kasama sa short list ng pinagpilian ng FAP para sa entry sa Oscars.

Nang nakausap ko ay handa silang mag-give way sa obra nina Direk Brillante Mendoza at Direk Lav Diaz para ipadala sa nasabing parangal.

Hats off to you, Direk Joel Lamangan and Direk Jun Lana (Anino Sa Likod Ng Buwan).

Ang sabi naman ni Direk Gil Portes (direktor ng Hermano Puli), hayaan na dumaan sa tamang pro­seso ng pagpili.

Nasabi rin ni Direk Gil na pangarap niyang makalakad sa red carpet ng Oscars bago siya bawian ng buhay.

Mukhang after his 71st birthday, magiging totoo pa rin ang wish ng mga kaibigan ni Direk Gil that he will still live on.

Isulong natin ang pelikulang Pilipino sa mundo.

***

Lolita
Lolita

WALEY: “Guys, please pray for my Lola Lolita, she is in the ICU after suffering a mild stroke. I offer up all prayers for her and for our family. Thank you in advance.”

Ito ang tumambad sa aming message galing sa mahusay na singer na si Radha.

Si Radha ay apo ng isa sa pinakamahuhusay na aktres sa pelikulang Pilipino (of all time) na si Lolita Rodriguez.

Kilala si Lolita sa modern-day classics na Tubog sa Ginto (1971), Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1974), Mortal (1976), Ina, Kapatid, Anak (1979), Ina Ka ng Anak Mo (1979), Paradise Inn (1985) at Lucia (1992).

Huli siyang napanood sa Ang Anak ni Brocka noong 2005 at lagi na lang pinananabikan kung ano’ng pelikula ang deserving na makakapagpauwi sa kanya rito o kaya’y makunan siya sa US kung saan na siya naninirahan.

Nang maka-chat ko ang apo niyang si Radha, ito ang mensahe niya sa akin, “Thanks so much friend! She’s still in the ICU praying that she fully recovers soon.

“I get updates e­veryday so I know what to pray for. App­­re­c­iate your message friend, God bless you.”

Ipagpatuloy po natin ang ating prayers for the great Lolita Rodriguez.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.