Maagang penitensiya! P0.85 dagdag sa gasolina, P0.55 sa diesel

OIL-PRICE-HIKE

Asahan ang dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ngayong Semana Santa.

Magiging magastos ang biyahe ng mga motorista ngayong linggo dahil sa inaasahang pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon sa industry source, ang dagdag sa presyo ng gasolina ay papalo hanggang P0.85 kada litro, habang P0.55 kada litro naman ang dagdag sa diesel.

Resulta umano ito ng pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.

Base sa datos ng Department of Energy (DOE), ang presyo ng diesel ay maglalaro na ngayon sa P35.95 ­hanggang P42.40 kada litro, habang ang gasolina ay nasa P46.87 hanggang P56.77 bawat litro, depende sa lugar.