May binulong si Draymond Green kay Stephen Curry sa halftime. “(Green) used the John Wooden line,” bunyag ni Golden State coach Steve Kerr. “He said, ‘Be quick but don’t hurry.”
Si Wooden ang alamat na coach ng UCLA at kilala sa kanyang mga quotes.
Message sent!
Tumatak ang bulong ni Green kay Curry, sa umpisa ng Game 6 ng West Finals kontra Houston ay 1 for 7 lang sa 3-point range.
Pagkatapos ng mensahe ni Green, tatlo sa apat na bitaw sa labas ng arc sa third quarter ang ipinasok ni Curry para tumapos ng 29 points at tulungan ang Warriors sa 115-86 panalo.
Naibuhol ang series 3-3, dadayo ng Houston ang Warriors para sa winner-take-all Game 7 sa Lunes.
“He just told me to slow down,” pahayag ni Curry. “When you want a game so bad, the energy in the building and how we were trying to get back into it defensively, that affected my offensive game. I was rushing a little bit, not being decisive with my shot. So it was a nice little pep talk for my confidence.”
Nanggigil na ang Warriors nang maiwan ng 17 sa first half, kumalma lang nang magpapasok ang mga 3s at lumapit sa eight. Tulad ng sinasabi lagi ni Kerr, isang tira lang ang maipasok ni Curry ay tuloy na ang liyab nito.
Nasindihan ang pulso ni Curry 9:24 sa third nang humaginit ang 3 tungo sa 62-61 Warriors lead. Bumukas ang basket sa kanya, at na-outscore ng Golden State ang Houston 33-16 sa period.