HAVEY: Lumutang ang balitang sa June 12 na ang pilot airing ng bagong teleserye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo via La Luna Sangre sa ABS-CBN.

Parang ito ang pagpapatuloy ng kuwento ng fantaseryeng Lobo na nag-hit years ago.

Kaya kahit sina John Lloyd Cruz at Angel Locsin na hindi na karaniwang nagteteleserye ay buong pusong nagte-tape para sa kanilang special participation sa KathNiel project.

Maganda ang pasok ng taon sa Kath­Niel tandem dahil aside from a hit movie na Can’t Help Falling In Love at itong bagong teleserye, gagawaran sila bilang Box Office King & Queen for 2016 next week sa Guillermo Box-Office awards na gaganapin sa Ateneo de Manila University.

Totoo bang ang La Luna Sangre na ang papalit sa My Dear Heart malapit na ring matapos?

***

WALEY: Sa isang college reunion noong weekend, nakatisod ako ng isang balita involving a celebrity na despite her sweet and very prim & proper image on television ay mang-aagaw pala ng boyfriend!

Ahas!

It involves a friend who is said to be dating someone from a landed family in the south.

Then all of sudden napabalita na this celebrity girl pala is pursuing the same guy kahit may boyfriend na itong iba.

AhasPasimple pa ang drama ng celebrity girl na nagpa-cute sa lande­d guy sa south habang may karelasyon dito sa Maynila.

Nakuha ni celebrity girl ang kanyang pakay and for a time ay parang naging sila ng landed guy from the South.

Nakita rin silang magkasama sa probinsya ng lalaki.

May tinatago rin pala itong kakatihan sa likod ng mayumi at dalagang Pilipinang pakyeme on cam.

Katulad na lang sa kung paano nagsimula ang affair ng TV persona at ng landed boy from the south, dali-dali ring nagtapos ang kanilang relasyon.

Nakahanap agad ng kapalit ang kati-katerang celebrity.

Ngayon, kasal na ang celebrity na ito. Consistent siya na sa mga hindi kagandahang itsurang lalaki siya napupunta.

Ngunit laging sa mga may sinasabing pangalan, ha?!

Oh well, madalas siyang mapanood sa telebisyon. Halos dalawang beses, araw-araw.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.