Naloka ang isang negosyante/show promoter sa isang singer na kinuha niya sa isang event. Dismayado siya at sumumpang never na niyang kukunin sa event ang mang-aawit. Ayon sa ating source, ligwak na siya sa mga upcoming event ng negosyante na may mga show pa naman abroad.
In fairness, okey naman daw ang naging performance ni singer sa event pero ang nakakaloka ay hindi ito nagpakita ng magandang PR. As in, todo iwas daw siya sa mga nagpa-picture sa kanya. Parang malaking kasalanan daw sa kanya kapag ginawa niya ito.
Isa pa, nagmamadali raw siya after ng kanyang performance. Ni hindi niya inintindi ang mga organizer na kumuha ng kanyang serbisyo at nagbayad sa kanya nang malaki. Feeling Superstar daw si ate girl at gusto ay bumalik na agad sa hotel na kanyang tinutuluyan.
Dagdag pa ng source, nagsisimangot pa raw si singer after niyang kumanta. Bagay na ikinadismaya rin ng mga organizer.
Eto pa, sa tuwing binabanggit daw ang pangalan niya sa show promoter ay tinatakpan niya ang kanyang tenga sabay sabing “Please, huwag!” (Rodel Fernando)