PAPASIKAT ng singer, pasaway na…. yumayabang pa!

Sabi ng mga nakakatrabaho niya ngayon, inu­una niya ang arte kesa ang basa niyang kilikili.

Galing siya sa isang artista search kung saan hindi siya nag-win pero keber niya!

Stepping stone lang niya iyon para ma-knows siya ng mga utaw at fans.

Pero hindi pa rin siya napansin ng madlang pipol of the Philippines.

Sabi nga, FLAT ang beauty gonzales niya at hindi siya artistahin.

I-focus na lang daw niya ang kanyang self sa pagkanta, baka may kalag­yan pa siya.

Kaya naging motto niya in life, “Try & try & try!”

Kontesera rin kasi siya at binubulabog ng kanyang magandang boses ang mga bara-barangay.

Pati mga kuliglig, naiingayan sa kanya.

Hanggang dumating ang isang bonggang singing contest sa television.

Join siya at umabot sa finals pero hindi niya nasungkit ang grand prize.

Pero dahil pumipito, nagustuhan siya ng management.

Dumami ang shows niya at hindi na barya-barya ang ibinabayad sa kanya.

Doon lumabas ang totoo niyang ugali na pintasera, inggitera, supladita, feelinggera.

Lahat-lahat na! Basta may A sa dulo.

Sa rehearsals at performance, kapansin-pansin ang kilikili niya na laging basa.

Wah naman amoy pero takaw-pansin talaga.

Ang kanyang alalay alyas aleli abadilla, laging my bitbit na labakara at tisyu, pampunas kay ate.

Kaya ‘yung isang female singer na have ng ganu’n dati ay in-advisesic kapwa singer na pumunta sa eksperto sa armpits at ipa-laser na ang kanyang basang-basa na kilikili.

One Response