Dear Dra. Holmes: (shortened Jan. 19 letter)
Hindi ako sexually active at mababa po ang libido ko. Ito ang dahilan ng mga past break ups ko po. 2 yrs na kami ng kasalukuyang partner ko. Lagi siyang nagyayaya pero hindi pa rin tumataas ang libido ko. Ano po kaya ang dapat kong gawin?

Nagpapasalamat,
Yohanne

Dear Yohanne:
Maraming salamat sa sulat mo na pi-nublish natin nang buo kahapon. Doon, sinabi ko na maraming dahilan kung ba­kit mababa ang libido ng tao. Tumigil tayo sa mga dahilan na maaaring hindi mo hinahanap ang sex. ‘Yan ay dahil sa partner mo na maaaring hindi marunong o interesadong pasiyahin ka. Mahirap maganahan sa tao kung ang kanyang pagkaraos lamang ang kaniyang iniintindi.

Isa pang dahilan na mababa ang libido mo ang ating pag-uusapan na bihirang pinapag-usa­pan ng mga adviser at sex therapist. Ang dahilan ay baka asexual ka. Kung ikaw ay asexual, wala ka talagang hilig sa sex. Maaaring mahal mo ang partner mo at nasisiyahan ka kung magyakapan o maghalikan kayo bilang kaibigan o bilang mag-asawa, pero wala kang pagnanasa na pumunta ito sa pagsisiping. Ang problema ay hindi sa partner mo. Ang problema ay hindi rin sa iyo. Ganyan ka lang at mahirap kang magbago.

Naisip ko na ikaw ay maaaring asexual dahil sabi mo na ganito ka sa umpisa, na kahit sino ang maging partner mo. Walang kahihiyan o masama sa pagiging asexual; mahirap lang maintindihan ng tao, at minsan – lalo na para sa partner ng ase­xual – mahirap matanggap. Pero kung tunay kayong nagmamahalan, baka maaaring magkaroon ng paraan para manatili kayong mag-partner.

Puwede nating pag-usapan ito nang mas malalim kung sulatan mo ulit ako. Dapat kayong dalawa ay handang magsakripisyo para manatiling masaya at sexually satisfied ang partner mo kahit na asexual ka, sa paraan rin na tanggap mo. Maraming paraang makakamit ito.

Eto ay hindi mada­ling makamit. Pero kung nagmamahalan talaga kayo, at talagang gusto ninyo na “kayo na” habam­buhay, makakamit pa rin ito. Sana nakatulong ito, dearest ­Yohanne, kahit konti lang. ­Ingat. — MG Holmes

Si Dra. ­Holmes ay nagsusulat sa TONITE tuwing Sabado at Linggo. Sulatan siya sa Facebook: http://www.­facebook.com/drmargieholmes at panoorin siya sa “Walang Echos” sa Abante Tonite ­Facebook tuwing Huwebes, 7 pm.