Mabagal na national ID system tatalupan ng Senado -Sotto

Pinasisiyasat sa Senado ni Senate President Vicente Sotto ang mabagal na implementasyon ng national identification (ID) system sa oras na magbukas ang sesyon sa Mayo 4.

Ayon kay Sotto, mapapabilis at magiging maayos sana ang pamamahagi ng cash subsidy na ibinigay ng pamahalaan sa mamamayan kung naipatupad na rin ang national ID system.

“The system should have been in place now if not for the red tape. I will urge the Senate to investigate why this is so when we resume,” pahayag ni Sotto sa mga reporter.

“We passed the national ID system almost two years ago, yet it has not been implemented by government. Ibasura ang red tape and proceed!” dagdag nito.

Kailangan din aniyang makapag-ugnayan ang gobyerno sa pribadong sektor para sa national ID registration para maging mabilis at mas mura kesa obligahin ang tao na pumunta sa tanggapan ng local government units para magpa-biometrics.

Kaugnay nito, sinabi din ni Sotto na kawalan ng koordinasyon ng DSWD sa LGUs ang siyang pangunahing dahin kung bakit naantala ang listahan ng mga benepisaryo ng emergency cash subsidy.

“I think [the] government is doing its best but more than just cooperation is needed,” sabi pa ni Sotto . ( Dindo Matining)