Mabuhay kay brod Joe Calvin Devance Jr.

Hindi ako fan ng Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings sa Philippine Basketball Association (PBA).

Mag-isa lang akong maka-Toyota laban sa maka-Crispa lahat na mga pinsan ko nang maliit pa ako sa panahon ng Redmanizers-Super Corollas rivalry sa maaga ng dekada 80.

Noong mag-disband ang dalawang team, nawalan na ang ako ng favorite team sa unang play-for-pay-hoop sa Asia.

Kaya noong working student ako (nag-aaral sa Manuel L. Quezon University sa Quiapo at correspondent na sa Balita), at magsimula akong mag-cover bilang reliever ni Flor Zaldy Perez sa Balita noong Mayo 1988, wala na akong kinampihang team sa PBA.

Naging topic ko lang ngayon Gusto Joe Calvin Devance Jr. ng Ginebra dahil sa pag-aaral niya ng ating pambansang wika (Filipino) sa kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ) habang may COVID-19.

Mabibilang sa daliri ang hakbang na ito ng 38-year-old, 6-foot-7 Fil-Am forward ng crowd favorite.

Ang alam kong konektado sa PBA na talagang nag-aral ding mag-Tagalog ay si Meralco Bolts coach Norman Black.

Ginawa ito ni Black nang siya pa ang nagmamando sa Pop Co0la 800s ng RFM Corp. franchise noong 1997-99 sa paggabay ni team manager Elmer Yanga.

Naalala ko pa dati kapag off-season ang PBA noon, 5-10 minutes kaming nag-uusap ni coach Norman sa bahay niya. Ang misis niyang nanay ni dating PBA player Christopher Tan ang sasagot saka kami mag-uusap ng tagalog ni Black.

Kaya mula sa TP, mabuhay kay brod Joe!

***

Kapag gusto po ninyong mag-reaksiyon o magtanong, mag-email lang po kayo sa akin sa ramilcruz2003@gmail.com at sa ramilcruz2003@yahoo.com.

Ipanalangin po nating lahat na matapos na ang global pandemic. Ingat po tayong lahat bawat araw, panatilihin po nating malakas ang ating pangangatawan at mabuti ang kalusugan.

Hanggang sa susunod pong Martes mga Ka-Abante TONITE.

God bless us all!