Humagod ng krusyal na 15 points at 12 rebounds si ex-pro Michael Mabulac upang angklahan ang Bacoor Strikers sa pagbokldyak sa Marikina Shoemasters,­ 100-88, sa 3rd Chooks-To-Go MPBL Lakan Season 2019-2020 eliminations Miyerkoles ng hapon sa Cuneta Astrodome, Pasay.

Si Michael Canete ang aktuwal na namu­no sa Strikers sa 19 markers at 12 boards, at may 13 pts. si RJ Ramirez para sa ika-5 sunod na panalo ng team na nagpatibay sa Group B South Division second spot nila sa 20-5 win-loss record.

Dinomina buong laro ng Strikers ang karibal at pumoste ng biggest 18 point lead sa game, na nagsalya sa biktima sa 4-19 at hulihang puwesto.

“Nagkaroon sila [Marikina] ng run eh kaya nakahabol sila pero tiwala naman kami sa pagpasok ng 2nd group saka 3rd group namin kaya na-maintain pa rin yung lamang kahit na makahabol sila,” ani Mabula, na hinirang na best player of the game. (Aivan Denzel Episcope)