Naniniwala ang Partido ng Demokratikong Pilipino (PDP-Laban) na karapat-dapat maging Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Administrator at Chief Executive Officer (CEO) si Marvin Macapagal na tumayong campaign manager ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Olongapo City at Zambales nitong katatapos na halalan.
Sa media statement ng pangulo ng PDP-Laban na si Tito Mendiola, naniniwala siyang may isang salita si Pangulong Duterte kung saan ay nauna na umanong nagpahayag ang Pangulo na kinokonsidera nito ang nakababatang Macapagal na mamuno sa SBMA.
Ayon naman kay dating vice mayor Albert dela Cruz ng Mexico, Pampanga na kasamahan din sa partido, may isang okasyon kamakailan sa Davao City na ipinahayag ng Pangulo sa kanyang special assistant na si Christopher “Bong” Go na ipinahahanda na nito ang appointment letter ni Marvin bilang SBMA administrator upang mapirmahan.
“President Duterte is a man of honor, He will never take back his word, especially when his close friends heard him. Of course, we heard him. Everybody listens when the President speaks.” ayon pa kay Dela Cruz.
Sa panig naman ni chairman of Poro Point Authority Sherwin Rigor, naniniwala ito na sapat ang kakayahan ni Macapagal upang sundin ang marching orders ng Pangulo at upang masugpo ang matinding korapsyon sa SBMA free port at paghuli sa illegal drug trade gaya ng nabistong floating shabu laboratory kamakailan sa karagatan ng Subic, Zambales.
Finally SBMA has a new Administrator in Marvin Macapagal, surely business will flourish…. Kudos to the President appointing team!
President Duterte is a man of honor, He will never take back his word, especially when his close friends heard him. Of course, we heard him. Everybody listens when the President speaks.” ayon pa kay Dela Cruz.