Manila North Road ang dating pangalan ng MacArthur Highway­ na nagsisimula sa Bonifacio­ Monument sa Caloocan­ City hanggang sa lalawi­gan ng La Union. Tinawag din ito sa pangalang Highway 3 at Route 3. Ginawa ang highway na ito noong 1928 sa panahon ng mga Amerikano sa bansa. Noong 1961 pinangalanan itong MacArthur Highway.

***

Ang Avenida Rizal sa lungsod ng Maynila ay ­nilikha sa pamamagitan ng isang batas na pinagtibay ng konseho noong 1911 mula sa dalawang kalye, ang Calle Dulumbayan at Calle Salcedo.

***

Dalawang arkitekto­ na dineklara bilang mga national artist ang gumaw­a ng mga sineha­n sa kahabaan ng Avenida­ Rizal na pinangalanang Galaxy, Ideal, Scala at Lyric. Ito’y sina Pablo Antonio at Juan Nakpil. Wala na ngayon ang mga sinehang ito sa nabanggit na lugar.

***

Si Nicanor L. Reyes Sr. ang nagtatag at naging­ unang pangulo ng Far Eastern University of the Philippines sa lungsod ng Maynila. Nagtapos­ siya­ sa University of the P­hilippines at nag-aral din sa ibang bansa.

***

Ang lungsod ng ­General Santos ay ipina­ngalan kay Paulino Torres Santos na dating opisya­l ng hukbong sandataha­n ng Pilipinas. Isinilang siya­ sa Camiling,­ Tarlac­. Naging guro rin si ­Santos b­ago pumasok sa ­Philippine Constabulary.

***

Si Vicente Podico­ Lim ay isang heneral sa hukbong sandatahan­ ng ­Pilipinas na bayan­i noong World War II. ­Siya rin ang unang Filipino­ na nagtapos­ sa United States ­Military Academ­y sa West Point noong 1914. Isang ­kampo ng pulisya­ sa Calamba, ­Laguna ang ­ipinangalan sa kanya.­ Kabilang din siya­ sa ­tatlong bayani na ­nakalagay ang larawan sa P1,000 bill.