MADALICIOUS sa Lunes

Iya at Drew

MAGSISIMULA ang Season 3 ng Home Foodie sa Lunes (Mayo 15) nang umaga, pagkatapos nang Unang Hirit sa GMA 7.

26 MADALICIOUS meals ang ihahatid dito ng hosts na sina Drew Arellano & Iya Villania-Arellano, kasama ang San Miguel Purefoods Celebrity Chefs na sina Llena Tan-Arenas, RJ Garcia & Rene Ruz.

Ang MADALICIOUS ay port manteau ng ‘madali’ at ‘delicious,’ as in madaling gawin at pagkasarap-sarap!

Ipe-present ang mga recipe sa thematic combos para mabigyan ang televiewers ng quick tips ar ideas sa meal pairings.

Karamihan sa mga recipe ay 5 ang main ingredients na pantry-friendly, at 4-step ang procedures gamit ang products ng San Miguel Pure Foods.

Sa season na ito ng programa ay ilulunsad ang Home Foodie Madalicious Meals Mobile App.

Mada-download ang app sa smartphones. Mapapanood doon ang 60-second cooking de­mos pati na meal planning & preparation tips ng recipes na itinampok sa Home Foodie.

***

Painit nang painit ang mga ganap sa Legally Blind.

Edward (Mikael Daez) is gradually acting different dahil sa gamot na pinaiinom dito ni William (Marc Abaya).

Buti na lang at nakakaramdam na si Grace (Janine Gutierrez) sa ginagawa ni William sa kasintahan.

Mababanggit ni Grace na parang may alam si William sa mood swings at restlessness ni Edward.

Kailan kaya malalaman ni Grace na si William ang tunay na umabuso sa kanya?

Abangan!

***

Mas tinutukan at tinatangkilik ng mga manonood ang Kapa­milya teleserye na Wildflower sa paglantad ng whistleblowers laban sa mga Ardiente.

Nakamit nito ang bagong all-time high national TV rating na 23.7% noong Miyerkules (Mayo 3), ayon sa datos ng Kantar Media.

Nagpatuloy ang tensyon noong Biyernes (Mayo 5) nang isiwalat ni Camia (Sunshine Cruz) ang kabuktutan ng mga Ardiente, partikular na ang pagpapautos ni Emilia (Aiko Melendez) na patayin ang kanyang pamilya.

Inilantad din ni Camia ang tangkang paggahasa sa kanya ni Raul (Wendell Ramos).