Malinaw ang linya ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos, ito’y humihingi ng kapatawaran ­para sa amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos; isang kapuri-­puring aksyon mula sa anak na nais lamang bigyan ng kapayapaan ang kaluluwa ng y­umaong ama nito.

“Anuman ang kasalanan ng aking ama, sapagkat hind­i naman niya kailanman sinabi na siya ay tao laman­g na nagkakamali at nagkakasala, sana sa kabila­ nito­ ­mahanap na rin nila ang kapatawaran, sa pagpapatawad sa atin, sa aking ama, sa pagpapatawad, ­sana mapawi na rin ang galit nila at sila mismo ay mabigya­n ng kapayapaan at katahimikan.”

Kahanga-hanga ang hirit ni Imee sa publiko, kasabay­ ang paggunita sa kaarawan ng kanyang ama subali­t dapat ding maintindihan ng gobernadora kung saan nagmumula­ ang hugot ng mga biktima ng Martia­l Law; hindi dahil ilang dekada ang nakalipas at huwag mabuha­y sa ­nakaraan ang mga ito.

Nakaligtaan man ni Macoy makahingi ng kapata­waran na maaaring gawin kung nabubuhay pa sa ngayon,­ hindi sapat ang panaghoy ng mga naulila para pagbigyan­ ng mga Pilipino ang ‘special request’ ni Imee dahil ­magkaiba ang sitwasyon noong Martial Law at kinalalag­yan ng Pilipinas ngayon.

Hindi lang malalim ang sugat na iniwan ng Martial­ Law; meron mang basbas o lingid sa kaalaman ni ­Macoy ang bawat galaw ng gobyerno sa panahong iyon, higit na mas malalim ang naranasan ng mga ­biktima dahil naghirap noon at patuloy naghihirap ngayon na tila walang kasagutan ang mga ipinagla­laban ng mga ito.

Maaaring nagbayad si Macoy sa nagawang kasalanan; sinisingil man sa kabilang buhay ang dating diktador dahil sa mga pagnanakaw na hanggang ngayo’y hina­habol sa lupa ng gobyerno at iba pang uri ng pang-aabuso­, ‘di hamak na mas nasa maayos na kalagayan ang mga naulila nito; anong buhay ang tinatamasa ng mga anak, asawa, maging kaapu-apuhan nito, hindi ba’t sila pa rin ang nasa pedestal ngayon?

Si dating Senador Bongbong Marcos, kamuntikan pang nakasilat sa pagka-pangalawang Pangulo; si Imee meron sariling kaharian sa Ilocos; si dating Unang ­Ginang Imelda Marcos nasa poder pa rin; ang mga apo ni Apo namamayagpag sa piniling career, mapa-negosyo at makabagong sining.

Likas sa mga Pilipino ang mapagpatawad; ­madaling makalimot kahit sing-hapdi ng mga suga­t na tinamo ni Kristo ang sinapit; tinatanggap ang mga buladas ng kausap­ kahit kasinungalingan ang pinagsasabi subalit malabong mapatawad si Macoy kung sa gitna ng pakiusa­p ni Imee ay nakaumang ang ­pagpapalibing sa Libingan ng mga Bayani.

Bagama’t hindi gaanong naramdaman ang epekto ng Martial Law dahil anim na buwang sanggol ang inyong lingkod nu’ng ideklara ni Macoy ito, nabuhay sa takot ang sambayanang Pilipino na napakaimposibleng kalimu­tan ng mga nakaraang henerasyon at kailangang ipaintindi sa bagong henerasyon na tila ginagawang katatawanan ang kasaysayang pinagdaana­n ng mga magulang o mas nakakatanda sa mga ito.

Kung katahimikan ang layunin at nais lamang ni Imee, sampu ng pamilya Marcos, hindi ba’t ­pinaka-mapayapang paraan ang mailibing sa Batac, Ilocos Norte ang dating Presidente; hindi kaila­ngang ipagsiksikan­ sa Libingan ng mga Bayani dahil pinakamahalaga sa kahi­t sinong mga naulila — ang mabigyan ng marangal na burol­ at ­paglilibing ang namayapang kapamilya na kung ­tutuusin, ito’y ­sobra-sobra pang ipinagkaloob ng ­pamahalaan, ­simula nang maibalik sa Pilipinas ang mga labi nito.­

­Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.” (Twitter: follow@dspyrey)