Madayag namighati sa pagyao ng alagang aso

Napakasakit para sa mga pet lover ang paglisan sa mundo ng kanilang mga alaga.

Ito ang kinakaharap ngayon ni Previer Volleyball League (PVL) star Madeleine Yrenea ‘Maddie’ Madayag sa pagpanaw ng kanyang alagang aso.

Ibinahagi ni Madayag sa kanyang Instagram kahapon ang ilang larawan nilang dalawa.

“I hope you felt my love every time I whispered I love you my babuy. You’ve been with me through everything. I miss you already,” caption ng 22-year-old, 5-foot-10 bolleybelle .

Hindi rin makakalimutan ng Choco Mucho Flying Titans’ middle blocker ang mga sandali kasama ang kanyang alaga.

“Til next time, my babuy. You will forever be in my heart,” panapos niyang pahayag. (Jamiel Abby Toralba)