Kumembot si Made­leine Yrenea ‘Maddie’ Madayag ng 14 points upang mabuhat sa tapatang Battle of Katipunan ang Ateneo de Manila University Lady Eagles laban sa University of the Philippines Lady Maroons, 25-21, 25-15, 28-26, sa first round eliminations ng UAAP Season 81 women’s indoor volleyball tournament, Linggo ng gabi sa The Arena, San Juan.

Nasakop ang unang puwesto ng torneo ng mga Atenista matapos walisin ang Peyups sa three sets para sa 4-1 win-loss record at sinubsob ito sa 3-2 para sa panlimang puwesto.

Malaking bagay para sa Ateneo ang ‘block party’ sa pangunguna ni Madayag na hinirang na best player of the game. May walo siyang mula sa atake at 6 buhat sa block.

Humataw rin sina Kat Tolentino at Ponggay Gaston ng 12 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.

Tinapos ni setter Deanna Wong ang laban mula sa isang one-two attack para ikandado ang hambalusan.

Ibinahagi ni Mada­yag ang kanilang nasa kukote sa giyera: “No, it’s still the same. We just had to play our game because at the end of the day, ang kalaban na lang talaga namin ay ang sarili namin.

“If we trust our system and we trust our coach, wala naman sigu­ro mangyayaring mali sa amin,” panapos niya.