Dumating sa Pilipinas ang icon ng LGBTQ. Kinikilala siyang Asia’s top transgender supermodel “slash” lawyer at internet sensation ng Bangkok, Thailand. Siya’y si Mader Sitang na may pasiklab ngayong gabi (October 20) sa Fahrenheit Café, E Rodriguez Sr. Ave, QC 11 PM at One 690 Entertainment, Roces Avenue, QC ng 12 Midnight. Bukas (October 21) naman ay mapapanood pa rin siya sa One 690.
Yes, nilusob ni Mader Sitang ang Manila para pasayahin ang mga Filipino fan. Personal na siyang makikita. Siguradong mapapanood ang nakakaaliw niyang signature hair flipping dance moves will surely spell G-O-O-D V-I-B-E-S in striking, red BOLD letters.
Ang pinag-uusapang Mader Sitang Manila Tour phenomena ay handog ng Mr. Gay World-Philippines 2009 (former National Director) and WEMSAP (Web Marketers Specialist Association of the Philippines, Inc.,) founder at President na si Wilbert Tolentino.
“Prepare yourself for a wind blowing Sitang extravaganza!”, deklara ni Mr. Tolentino na isa ring LGBTQ influencer.
Gabbi may bagong kinakikiligan
Nakahanap na naman ng bagong inspirasyon si Gabbi Garcia — ito ay ang kanyang Pamilya Roces co-star at Miss Universe 1969 Gloria Diaz.
Sa recent Instagram post kasi ng Kapuso young star, kilig ang kanyang nararamdaman ngayong magkatrabaho na sila ng kanyang idol pagdating sa pagiging beauty and brains. Doble pa ang saya ni Gabbi dahil nanay niya ang mahusay na aktres dito.
Dagdag pa nito, gusto rin daw niyang sundan ang yapak ni Ms. Gloria sa pagiging beauty queen dahil bata pa lang daw siya ay pinapangarap na niya ito.
Ano naman kaya ang masasabi ni Ms. Gloria Diaz dito?
Samantala, abangan ang nakakalokang mga eksena sa Pamilya Roces gabi-gabi at alamin kung magkakaayos-ayos na ba ang magkakapatid.
Theme song ng serye ni Angel kakantahin ni Regine
Nagbabalik-Kapamilya na ang nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez matapos siyang pumirma ng two-year contract sa ABS-CBN at ibinahagi ang mga unang proyekto niya bilang Kapamilya noong Miyerkules (October 17).
Sa unang press conference niya bilang contract artist ng ABS-CBN, inihayag ng OPM icon na sa unang pagkakataon sa kanyang karera ay magiging hurado siya ng isang singing competition, ang upcoming show na “Idol Philippines.”
Sa unang pagkakataon din sa karera ng Songbird, bibida siya sa isang musical sitcom kung saan makakasama niya ang asawang si Ogie Alcasid at ang aktor na si Ian Veneracion. Mapapabilang na rin siya sa pamilya ng “ASAP,” at magpe-perform kasama ang mga artist ng naturang palabas sa international show nito sa Sydney, Australia ngayong weekend.
Buong galak din niyang ibinunyag na siya ang aawit sa theme song ng upcoming teleserye na “The General’s Daughter” na isinulat ni Ogie.
“Nandito ako dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kayang kumanta. Gusto kong makatrabaho ang napaka-talented singers, ‘yun talaga ‘yun — na bago man lang matapos ang career ko nasabi ko na nakatrabaho ko rin ang number one station,” she said.
“Parang na-realize ko, meron pa akong ibibigay. Kaya ako nandito ulit, kaya ako bumalik,” dagdag niya.
Idinaos ang press conference matapos ang bonggang red carpet welcome sa kanya ng mga ABS-CBN executives at empleyado, at ang contract signing na dinaluhan nina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, COO for broadcast Cory Vidanes, TV production head Laurenti Dyogi, Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal, head of finance for broadcast and news and current affairs Cat Lopez, at ang manager at kapatid ni Regine na si Cacai Velasquez-Mitra.
Sinimulan ni Regine ang karera niya sa telebisyon sa ABS-CBN musical shows na “Teen Pan Alley” at “Triple Treat” noong 80s, at bumida rin sa isang “MMK” episode noong 2002 kung saan siya nagwagi ng Best Actress trophy sa PMPC Star Awards for TV.
Noon ding 2002, nagkaroon siya ng concert na pinamagatang “One Night with Regine” sa National Museum na kumalap ng pondo para sa Bantay Bata 163 ng ABS-CBN. Sa kakatapos na ABS-CBN Ball 2018 naman, inihayag niya ang plano niyang mag-perform ulit sa isang benefit concert para sa muling pagbubukas ng Bantay Bata Children’s Village.
Faye Bulcke Miss Earth-Belgium
Ayaw pakabog ni Faye Bulcke. Kinatawan ng Belgium para sa Miss Earth 2018.
Siya’y 21 years old at midwifery student. Nakapagsasalita siya ng Dutch, French and English.
Hindi lang sa pagandahan nakikipaglaban si Faye kundi pati sa pagsayaw. Bahagi ng buhay niya ang dancing at hindi niya ito tatalikuran.
Talbog!