Ang duel kung saan tatlong tao ang sangkot ay tinatawag na “truel” .
***
Alam n’yo bang ang ‘Mr. Potatohead’ ang unang laruang na-advertise sa TV.
***
Mayroong McDonalds sa lahat ng kontinente ng mundo maliban sa Antarctica.
***
Ang hugis ng Pringles ay tinatawag nilang ‘Hyperbolic Paraboloid’.
***
Ang ‘Boanthropy’ ay isang uri ng psychological disorder kung saan pinaniniwalaan ng isang tao na siya ay isang baka at kadalasang namumuhay sila na parang isang baka.
***
Ginawang “Donald McDonald” ang orihinal na “Ronald McDonald” sa Japan upang mas madali nila itong mabigkas, binago rin ito ng Singapore at ginawang “Uncle McDonald”.
***
Taong 1998 nang aksidenteng maibenta ng Sony ang 700,000 unit ng camcorders na may kakayahang makalusot o makita ang katawan ng tao kahit nakadamit. Ito ay may special lenses na gumagamit ng infrared light na makakalusot sa ilang klase ng kasuotang suot ng tao.
***
May ‘Paraskavedekatriaphobia’ ang mga taong takot sa Friday the 13th.
***
Ang Kleenex tissue ay unang ginamit bilang filter ng gas mask.
***
Hiniling ni Samuel Jackson na gawing kulay violet ang gagamitin niyang light saber sa Star Wars para tanggapin ang role ni Mace Windu.
***
Ang sikat na singer na si Madonna ay may ‘garophobia’ – mga taong takot sa kulog.
***
Taun-taon ay umaabot sa 2,500 kataong left-handed ang naaaksidente dahil sa paggamit ng right-handed tools.
***
Ang strawberries ay may iba’t ibang kulay tulad ng yellow, green, at puti. Magkakaiba rin ang lasa ng mga ito na kung minsan ay kalasa ng pinya.
***
Taong 1895 nang magbigay ng unang overspeeding ticket ang Hampshire police dahil sa pagpapatakbo sa bilis na 6mph.
***
Alam n’yo bang si George W. Bush ay naging cheerleader habang nag-aaral.
***
Binubuo ng 205 buto ang isang kabayo.