Pinag-usapan sa Oscars after-party ang pagbabati nina Lady Gaga at Madonna.
Natuwa ang mga kapwa nila celebrities dahil pagkatapos ng walong taon ay winakasan na nila ang kanilang hidwaan.
Napakagandang tingnan ng dalawa na nakunan ng larawan habang nakahiga sa isang puting tela at nakayakap si Madonna kay Gaga na nakangiti hawak ang kanyang napanalunang tropeo. Halos walong taon na ring hindi sila nagpapansinan.
Sinamantala ni Madonna ang kaligayahang nadarama ni Lady Gaga na parang nasa cloud nine. Niyakap niya ito at hindi na nag-react bagkus ngumiti na lang at nag-pose. Ikinatuwa naman ito ng mga photographers na naroon.
Nagsimulang mag-away ang dalawa taong 2011, noong mga panahong ayon pa sa mga kritiko na ang awiting “Born This Way” ni Lady Gaga ay halos kapareho ng tunog ng “Express Yourself” ni Madonna.
But all’s well that ends well na ngayon sa pagitan ng dalawa.