SUYO, Ilocos Sur — Kasong murder ang kinakaharap ng isang binata matapos pagtatagain ang batok ng kainuman sa Brgy. Urzadan ng bayang ito kamakalawa.
Kinilala ni P/Chief Insp. Regino GeƱoso, hepe ng Suyo Municipal Police Station, ang suspek na si Marvin Daniel, 34, habang ang biktima ay nakilalang si Ariel Tumacdang, 38, isang magsasaka, at pawang mga nakatira sa nabanggit na lugar.
Batay sa salaysay ng suspek, pauwi na ang mga ito mula sa inuman kasama ang isa pang kaibigan nang bigla umanong nagsalita ng masama ang biktima at naglabas ng itak, dahilan upang unahan niya itong tagain at mapuruhan sa batok na agad nitong ikinamatay.