Maepal na opisyal pikon sa bashing

Wasak sa mga ­netizen ang isang opisyal ng gobyerno dahil masyado raw matakaw sa media.

Hindi lang daw sa mainstream media kundi maging sa ­social media ay madalas bumabalandra ang post ni Mr. Official.

Ang ikinaiinis daw ng mga netizen ay ang sobrang ‘self-praise’ o sobrang papuri sa sarili nitong ating bida.

Kahit na nga raw tinanggal ito sa kanyang posisyon na palagi siyang nagbibida-bida at nang-aagaw ng trabaho sa pagharap sa media ay hindi pa rin ito napipigilan sa pagiging matakaw sa media.

Bagama’t nagtatrabaho naman daw ang ating bida, ay mas madalas naman daw ang pagpo-photo op nito na kunwari ay hindi alam na kinukunan ito ng larawan.

Nang magkomento naman ang isang netizen sa kanya na magpokus na lamang sa trabaho at bawasan ang paggamit ng social media, hindi nakapagpigil si Mr. ­Official at sinupalpal ito at sinabihan na ‘wag siyang turuan kung paano gagawin ang kanyang trabaho.
Napapaghalata ­tuloy na pikon sa kritisismo ang opisyal.

Clue: Ang ating bida ay may letrang ‘B’ sa kanyang pangalan at apelyido as in Boy ­Bastos.