Mag-a-abroad na

Isang star jockey ang napapabalitang nagbabalak nang mag-abroad para doon na magtrabaho at manakay.

Maganda umano ang offer sa kanya ng dating pinasukan nya noon kaya halos okay na sa kanya na umalis at tanggapin ang alok.

Maganda naman ang kanyang kinikita dito pero mas tempting daw ang offer sa kaya halos desidido na siyang tanggapin yun.

***

Kahit maulan at masungit ang panahon, tagumpay pa rin ang 2016 National Press Club Benefit Racing noong Linggo sa MetroTurf.

Highlight ng selebrasyon ang 4th Philracom-NPC Cup na pinanalunan ni Timeless Magic na pag-aari ni Edward Pangilinan.

Umabot sa P29.9 milyon ang total sales sa 12 karera noong Linggo kumpara sa P34.26 milyon na nailista sa ikatling NPC Cup noong Agosto 10, 2014.

Nagsidalo sa event ang mga opisyales ng NPC.

***

Inaanyayahan ni KASAPI president Nicson Cruz ang mga miyembrong dumalo sa gagawing General Assembly Meeting at Grand Launch ng “Tulong Pangkabuhayan sa mga KASAPI OTB-Members” sa Agosto 31 sa McDo Centris along EDSA sa tabi ng BMW sa Quezon City.

Bibigyan ng tig-5 tikets na isasali nila sa raffle draw na exclusive sa lahat ng OTB-Members na dadalo sa okasyon. Isang Haojue 110 A-1 Condition Motorcycle at 10 cellphones ang ipapa-raffle.

Ilulunsad din sa okasyon ang proyekto ng KASAPI at MetroTurf na P20 Mo Manalo ng Motorsiklo na tiyak na maiibigan ng mga KASAPI OTB-Members dahil malaki ang maitutulong nito sa kanilang negosyo.

May 12 Haojue 110 A-1 Condition Motorcycles ang ipapa-raffle sa Disyembre 18 sa lahat ng bibili ng tiket na nagkakahalaga lang ng P20 bawat isa.

Marami ding mga surprise prizes na naghihintay sa mga mananalo sa pa-raffle.