Mag-ama, 5 pa arestado sa buy-bust

arrested-arestado-huli

Dinakip ang mag-ama at limang iba pa matapos mahuli sa aktong pagbebenta ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002 ang isinampang kaso laban sa mga naarestong suspek na sina Geraldo, 45, at Zandrex Alibangbang, 23; John Openda, 29; Eduardo Genova, 50; Michael Dequiros, 46; Gina Agda, 42; at Jinky Ibañez, 23.

Isinagawa ang operasyon alas-5:45 Biyernes nang hapon sa bahay ng mag-amang Alibangbang sa Brgy. Molino 3, Bacoor City. Magkasabwat ang dalawa na nagbenta ng hinihinalang shabu sa isang poseur buyer­ habang ang iba pang mga suspek ay inabutan sa loob ng bahay ng mag-ama.

Nakuha sa operasyon ang tinatayang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P68,000, at mga drug paraphernalia.