Isang mag-ama ang agad na nasawi makaraang mabagok ang ulo ng mga ito matapos bumangga sa steel bar ang sinasakyang motorsiklo sa Ballesteros, Cagayan.

Namatay noon din sa pinangyarihan ng aksidente ang mag-amang sina Randy Tabulog Sr., 49 at anak na 20-anyos, kapwa magsasaka ng Santa Marcela, Apayao, samantalang isa pang angkas sa motorsiklo na kamag-anak nila ang sugatan.

Napag-alaman na magkakaangkas sa isang motorsiklo na walang plaka ang mga biktima nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver sa pakurbadang bahagi ng kalsada sa Brgy. Fugu kaya nagtuluy-tuloy itong sumalpok sa bakal.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa insidente.