Isang mag-ama ang nasawi nang manlaban umano sa mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Mandaue City kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang mag-ama na sina Jerome Abad, 42, at Jomar, 22.
Ayon kay Sr. Insp. Pedie Noval, hepe ng City Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (CAID-SOTG), maraming beses na umanong isinailalim sa Oplan Tokhang ang mag-ama ngunit hindi ito tumutugon kaya isinagawa ang operasyon ng mga kasapi ng CAID-SOTG ng Mandaue City Police Office.
Habang aktong aarestuhin ang mag-ama ay nanlaban ang mga ito dahilan para gantihan ng putok ng mga pulis.
Narekober sa mag-ama ang .45 caliber pistol, .38 revolver, sachets ng illegal drugs at mga kagamitan sa pag-repack ng shabu.